Maraming humuhusga sa barkada ko, lalo na ang mga taong kilala sila sa pangalan at mga ginagawa lamang. Bakit kayo manghuhusga ng tao kung hindi niyo naman alam ang tunay na kwento ng buhay nila? Mahal ko sila kahit pasaway sila, madaming bisyo, pa easy easy lang. Sila yung aalukin ka kung may sistema, sila din yung mag aalaga sa’yo at mgkikinig sa mga drama mo. Sila yung hindi ka pagsasamantalahan. Proven kasi natulog na kami sa isang bahay and that’s the best. Sila pa nga yung sasabihan ka ng “wag ka magshort”, “tingnan mu nanaman yang suot mo” and others. Yung isa kong bestfriend diyan love na love ko. Nag yoyosi kasi ako noon, at siya yung taong nagpapatigil sa akin, hidi ko nga sinusunod pero di siya nagsasawa na sabihan akong “tigilan mo nga yan” Sabi niya nga pa nung last jam namin, “kahit magalit sakin si larane, papatigiin ko yan”. Ang sweet lang.
(Source: missinnocentgirl)



